Malapit na
Ilulunsad sa Enero 17, 2027.
Presyo ng baboy at manok ngayon, malapit sa iyo.
Tulungan ang iyong komunidad sa bawat presyong ire-report mo.
Alamin ang presyo bago ka magbenta.
-
Presyo kada probinsya
Baboy, biik at broiler, nasa iisang listahan.
-
Kita agad ang galaw
Alamin kung tumaas o bumaba ang presyo, pati ang galaw sa huling walong linggo.
-
Galing sa mga kapwa mo
Mula sa report ng mga nag-aalaga at trader, katabi ng ulat ng DA.
-
Alerto sa phone mo
May notification ka agad kapag gumalaw ang presyo sa lugar mo.
Demo video, wala pang 2 minuto. May captions.
Tatlong hakbang lang.
-
Piliin ang probinsya at hayop
Naka-save ito sa phone mo, kahit wala ka pang account.
-
Tingnan ang presyo ngayon
Pindutin ang presyo para sa detalye: gitnang presyo, mula mababa hanggang mataas, at presyo sa mga karatig-lugar.
-
Nakabenta ka? I-report ang presyo
Ilagay ang presyo kada kilo. Tulong ito sa mga kapwa mo, at hindi ipapakita ang pangalan mo.
Bayanihan sa presyo
Isang report, tulong sa buong komunidad.
Bawat presyong ini-report mo, nakikita ng mga kapwa mo nag-aalaga at trader sa lugar mo. Mas maraming nagre-report, mas tama ang presyo para sa lahat.
-
Mas patas na bentahan
Kapag alam ng lahat ang tamang presyo, mas mahirap baratin ang nag-aalaga.
-
Tulong sa kapwa mo
Ang report mo ang gabay ng kapitbahay mo bago siya magbenta o bumili.
-
Ligtas mag-report
Hindi ipapakita ang pangalan mo. Gitnang presyo ang ipinapakita, kaya hindi ito magagalaw ng isang maling report.
Malapit na ang Mitsors.
Iwan ang number mo, at maging isa sa mga unang tutulong sa presyo sa lugar mo.
Sumali sa waitlist