Misyon
Ibigay sa bawat nag-aalaga ng baboy at manok ang tama at napapanahong presyo, para wala nang mababarat ng hindi patas na ahente.
Tungkol sa Mitsors
Ginawa namin ang Mitsors para sa mga nag-aalaga ng baboy at manok na madalas magbenta nang hindi alam ang tamang presyo. Naniniwala kami na ang nagpakahirap mag-alaga ang dapat makinabang sa pinaghirapan niya.
Sa maraming lugar, ang ahente lang ang nakakaalam ng presyo sa merkado. Ang nag-aalaga, umaasa lang sa sinasabi sa kanya. Kaya madali siyang baratin, at ang tubo ay napupunta sa gitna, hindi sa bukid.
Proseso ngayon
Sa Mitsors · Pareho ang alam ng lahat
Ibigay sa bawat nag-aalaga ng baboy at manok ang tama at napapanahong presyo, para wala nang mababarat ng hindi patas na ahente.
Isang Pilipinas kung saan alam ng bawat magsasaka ang tunay na halaga ng alaga niya, at patas ang bentahan mula bukid hanggang palengke.
Makikita ng lahat ang presyo ng live weight sa bawat probinsya, nang libre.
Ang presyo ay galing sa report ng mga kapwa nag-aalaga at trader, katabi ng ulat ng DA.
Simple at magaan, at hindi kailangan ng account para makita ang presyo.
Mahalaga ang mga trader sa bentahan ng hayop. Ang kalaban namin ay ang hindi patas na presyo, hindi ang mga tao. Kapag bukas ang presyo, nakikinabang din ang tapat na trader: mas mabilis ang usapan at mas buo ang tiwala.
Sumali sa waitlist at maging isa sa mga unang gagamit ng Mitsors.
Sumali sa waitlist